Monday, September 17, 2012

BALIK-TANAW SA NAKARAAN

Isang kwento ng Pakikibaka
Ni Reynaldyq

Parang hindi na sanay ang aking mga kamay na sumulat ng sanaysay-ng mga pakikibaka sa buhay, ng mga samut-saring alalahaning gumugulo sa isipan, mga buhol-buhol na buntonghininga’t hinagpis ng mga nagdaang araw. Pero ayos lang. Basta nabanggit ang LICAB, parang ipu-ipong bumabalik ang kahapon. May saya’t lungkot, may kirot sa dibdib, may pitik ng pag-asa, at may haplos ng pagmamahal.

Kinse anyos ako ng iwan ang bayang Licab. Para sa akin, parang walang anuman. Ano ba naman kasi ang maipagmamalaki ko sa bayang kinagisnan? Maputik kapag tag-ulan, may libreng pulbos kapag tag-araw. Uso pa noon ang kareta, karitela, at kalabaw. Mabagal ang pag-usad ng pag-unlad.
Para sa akin, mas masaya sa siyudad. Maraming tricycle, maraming mapupuntahan.
Kaya madalas, sermon ang inaabot ko kay tatay. Bakit daw napakadalang kong umuwi ng Licab. Ayaw kong sumagot dahil bawal sumagot sa ama. Hindi tamang isaboses ang nararamdaman, lalo pa’t alam kong may masasaktan.
Pero sa loob-loob ko, wala naman akong mapapala kapag madalas akong umuwi. Baku-bako ang daan, mahaba ang biyahe at maalikabok –kaya nga dapat ang pangalan ng bayan natin-LIKABOK. Haaaay.
Isa pa, kapag tag-araw, malayo ang lalakarin mo para umigib ng tubig. Natutuyuan kasi ang mga poso ng tubig. Ang nangyayari, pupunta kayo sa patubig para mag-igib, dala-dala ang mga balde, timba, galon ng mantika at kahit ano pang sisidlan. Haaay na naman.
Gayunpaman, may gintong aral din naman akong natutuhan sa pamamalagi ko sa Licab. Malapit kami sa Diyos, malapit sa simbahan. Naalala ko pa si Ate Dahlia Ventura- siya ang nagturo sa amin na laging magpunta sa Simbahan. May choir noon na binubuo ng kabataan. Matiyaga niya kaming ginagabayan at sinusubaybayan. Usong-uso noon ang Christmas tableau at mga palabas tuwing mahal na araw.
Ngayon, malayo na ang daang aking tinahak. Malayo na rin ang narating ng ating mga kababayan.
Iba na rin ang tanawin sa Licab. Maayos na ang mga kalye, at higit sa lahat may gripo na ang mga bahayan. May daloy na ng tubig sa kabayanan.
Sa pagpasok mo sa Licab, masasamyo mo ang hanging amihan- ang mga butil ng palay na kumakaway, nanghahalina, at nagsasabing- may pag-asa pa. May kinabukasan pa.

Dito sa ibang bansa, lalo mong mami-miss ang manirahan sa Licab. Wala kasi ditong gatas ng kalabaw, inihaw na hito at bulig, bulanglang , bagoong at tuyo. Miss ko na rin ang arroz-de –valenciana ni Nanay.
Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, Licab ang una kong pupuntahan.

Thursday, September 13, 2012

PAGBABALIK

Pagbabalik

Agosto na naman. Panahon kung saan maraming Pilipino ang nagbabalik sa Pilipinas upang makasama ang mga mahal sa buhay. Mainit  sa Gitnang Silangan, tulad ng nagbabagang araw, mainit ang paligid. Di nga ba at maraming namamatay sa heat stroke, high blood pressure at atake sa puso. Dahil dito  mas marami ang naglalagi lang sa mga  air-conditioned rooms o sa mga malls para palipasin ang araw. Mas masarap umuwi at magbakasyon sa Pilipinas. Mas masarap makasama ang mga mahal sa buhay. Hindi bale na ang gastos, mas higit na nakakapanabik ang makapiling sila, kahit ilang panahon lang.

Sa loob ng eroplano (salipawpaw o sasakyang panghimpapawid?) marami na ang naglalaro sa aking isip.  Kumusta na kaya si Shian at Shane? Malaki na si Shane nuong huling iwan ko. Marami na siyang tanong sa akin. Bakit daw   aalis  akong muli? Bakit daw hindi na lang doon ako mag-trabaho? Mahirap sagutin ang mga musmos na katanungan. Sa ganang akin mas madali kung ang magtatanong sa akin ay si Des, ang aking asawa. Basta ang isinagot ko lang, bibilhan ko siya ng I-pad. Duon nasagot ko tanong niya. May kislap na bumalot sa kanyang mga mata. Ibig sabihin nun, aalis ako dahil sa pera. Sa musmos niyang kaisipan, ang I-pad ay katuparan na ng isang musmos na pangarap.

Narinig ko na lang ang flight attendant sa kanyang panawagan:” Mga binibini, ginang at ginoo, lalapag na po tayo sa pandaigdigan paliparan ng Ninoy Aquino, mangyari lamang na manatiling nakasukbit ang sinturong pangkaligtasan….”

Mainit ang sumunod na tagpo. Yakap ng pagmamahal. Una kong nakita si Shian sa labas ng airport. Nandun si Zle, ang panganay, Si Des, ang may bahay at si Shane ang pang-gitna. Lahat ay may saya. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Masaya ba ako, excited, mixed emotions? Ang mahalaga kapiling ko sila. Mas nakapapanaig ang sarap ng makitang buo muli ang pamilya.

Kumain kami sa isang Sea Food Restaurant. Ang nakasabit sa labas nakaratula, ituro mo ihahain ko. Natawa ako, sabi ko kay Des, huwag mo akong ituro, ha. Tawanan. Saan tayo ngayon, tanong ko?  Ocean Park. Excited ang mga bata. Maipagmamalaki ko na dito  sa Pilipinas, kung saan ang karagatan ay maraming yamang dagat, nakagagawa sila ng mga dambuhalang aquarium na tulad nito. Sabi nga ng isang  tourism advertisement: there is more fun in the Philippines. Imagine, pwede kang magpamasahe ng paa sa libo-libong mga isda.

Naibigay ko na ang mga pasalubong. May isang umiiyak. Si Shian. Bakit daw wala siyang I-pad. Sabi ko  anim na taon  ka pa lang. Hindi mo pa alam gamitin yun. Nagulat ako sa sagot niya. “Hindi ako tanga. Alam kong gamitin yun. Alam kong magcomputer.” Hindi ka naman nagbilin sa akin, sagot ko.  Si Ate mo lang ang nagbilin nuon. Tinanong ko ang panganay, si Zle, marunong ba siya? Ang sagot, ay naku Papa, mas nauna pang natutong mag-computer yan  kaysa sumulat ng pangalan. Sabi ko na lang, para walang away, yun laptop ko na lang ang gamitin niya.

Maraming umukilkil sa isip ko.Marami na akong namissed. O naimis-interpret. Nuong umalis ako, ang nasa isip ko mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa akin sa abroad. Sa aminin ko man  at sa hindi, financially, mas maganda ang takbo ng buhay. Ngunit sa kabila nuon, ang mga panahong dapat  ay  kasama ko sila: wala ako. Sa mga pictures, nakikita ko ang saya nila: Birthday celebrations,  Anniversary, All Saint’s Day, Christmas Day, New Year’s Day. Masaya lalo  kapag na-greet ako ng Happy Father’s Day. May kurot sa puso ang mga mensahe, tagos sa kailaliman ng isip ko. “You are the greatest Father in the world Papa.” Sa ganang akin, dapat ba malayo ang isang Ama, para  maging masaya sila?  Hindi ba  mas masaya, kung kasama ang mga anak ko na lumalaki?

Kailan ba alis mo?, tanong ni Des. Next week pa, bakit pinaalis mo na ba  ako? Gusto kong magtampo. Bakit, hindi ka ba sanay na nandito ako? Nagtampo naman agad. Baka kasi makalimutan mo flight mo. Hindi ba last time naiwan ka ng eroplano? Oo nga naman, kasi ang sarap magbakasyon. HIndi lang alam ng misis ko, mas gusto ko nang manatili dito. Mas masarap makitang lumalaki ang mga anak mo. Pero hindi ko masabi.Sa loob ko,ano ba ang  silbi na nandito ako, pero hindi ko naman maibibigay ang ginhawa ng buhay. Mahirap talagang maging mahirap.

Para makabawi kay Shian, dinala ko sila sa Q-Zone. Isang malaking palaruan ng mga bata. May mga computer games, videoke, giant play ground. Masaya na si Shian. Sabi niya hindi na daw siya galit sa akin. Tinitingnan ko siya habang naglalaro ng computer. Ang bilis ng kamay. Sa loob-loob ko paano niya naiintindihan yun eh hindi pa nga siya sanay bumasa. Pero mahusay nga, nasa level V na siya at pumapalakpak sa salitang “Congratulations”. Iba na nga talaga ng hibo ng mga kabataan ngayon. Marami na silang alam na hindi natin natutunan noong mga bata pa tayo. Kasunod ng pagyabong ng teknolohiya, ang pagkakatuto ng mga kabataan at pagkakahilig sa computer games. Kung aalis ako, baka hindi ko na masundan kung paano huhubugin ang aking mga anak.  Ngunit sa pagitan ng pagtatalo sa emosyonal at pinansyal na pangangailangan, mas nakahihigit ang pagiging praktikal. Kahit papaano, isang pampalubag loob na sa mga OFW na makitang nabubuhay ng maringal ang iyong pamilya. Ang emosyon naman, lilipas din. Ang pangungulila napupunan din. Bakit naman kasi kailangan lunurin mo ang buhay sa mga sentimyento tulad ng isang telenobelang puno ng pighati at kalungkutan.Mahirap ngang maging mahirap kaya dapat umalpas sa kalagayang ito.

Asalam Alaikum, bati sa akin ng kaibigan kong Arabo. Alaikum Salam, sagot ko. Muli, bumalik ako sa Gitnang Silangan na  may ngiti sa labi. Maraming karanasang itatangi. Bawat minuto at segundong nakasama ang mga mahal sa buhay, mananatili sa mga pahina ng kasaysayang isinulat na hindi kayang tumbasan ng salapi. Nakaaliw ang binitawang salita ni Shian kung bakit ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. Ayon sa kanya, hindi siya titigil dahil pa ubos ang kanyang luha. Nakaaliw pero totoo. Tulad natin, hindi tayo tumitigil mangarap dahil, ang pangarap libre lang. Ang luha kusang bumabalong, hindi mapipigil ng ganun ganun lang. Tulad ng pagtulo ng luha, patuloy ang agos ng buhay.

entry:
www.saranggolablogawards.com

Pagbabalik

Pagbabalik

Agosto na naman. Panahon kung saan maraming Pilipino ang nagbabalik sa Pilipinas upang makasama ang mga mahal sa buhay. Mainit  sa Gitnang Silangan, tulad ng nagbabagang araw, mainit ang paligid. Di nga ba at maraming namamatay sa heat stroke, high blood pressure at atake sa puso. Dahil dito  mas marami ang naglalagi lang sa air-conditioned rooms o sa mga malls para palipasin ang araw. Mas masarap umuwi at magbakasyon sa Pilipinas. Mas masarap makasama ang mga mahal sa buhay. Hindi bale na ang gastos, mas higit na nakakapanabik ang makapiling sila, kahit ilang panahon lang.

Sa loob ng eroplano (salipawpaw o sasakyang panghimpapawid?) marami na ang naglalaro sa aking isip.  Kumusta na kaya si Shian at Shane? Malaki na si Shane nuong huling iwan ko. Marami na siyang tanong sa akin. Bakit daw   aalis  akong muli? Bakit daw hindi na lang doon ako mag-trabaho? Mahirap sagutin ang mga musmos na katanungan. Sa ganang akin mas madali kung ang magtatanong sa akin ay si Des, ang aking asawa. Basta ang isinagot ko lang, bibilhan ko siya ng I-pad. Duon nasagot ko tanong niya. May kislap na bumalot sa kanyang mga mata. Ibig sabihin nun, aalis ako dahil sa pera. Sa musmos niyang kaisipan, ang I-pad ay katuparan na ng isang musmos na pangarap.

Narinig ko na lang ang flight attendant sa kanyang panawagan:” Mga binibini, ginang at ginoo, lalapag na po tayo sa pandaigdigan paliparan ng Ninoy Aquino, mangyari lamang na manatiling nakasukbit ang sinturong pangkaligtasan….”

Mainit ang sumunod na tagpo. Yakap ng pagmamahal. Una kong nakita si Shian sa labas ng airport. Nandun si Zle, ang panganay, Si Des, ang may bahay at si Shane ang pang-gitna. Lahat ay may saya. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Masaya ba ako, excited, mixed emotions? Ang mahalaga kapiling ko sila. Mas nakapapanaig ang sarap ng makitang buo muli ang pamilya.

Kumain kami sa isang Sea Food Restaurant. Ang nakasabit sa labas nakaratula, ituro mo ihahain ko. Natawa ako, sabi ko kay Des, huwag mo akong ituro, ha. Tawanan. Saan tayo ngayon, tanong ko?  Ocean Park. Excited ang mga bata. Maipagmamalaki ko na dito  sa Pilipinas, kung saan ang karagatan ay maraming yamang dagat, nakagagawa sila ng mga dambuhalang aquarium na tulad nito. Sabi nga ng isang  tourism advertisement: there is more fun in the Philippines. Imagine, pwede kang magpamasahe ng paa sa libo-libong mga isda.

Naibigay ko na ang mga pasalubong. May isang umiiyak. Si Shian. Bakit daw wala siyang Ipad. Sabi ko  anim na taon  ka pa lang. Hindi mo pa alam gamitin yun. Nagulat ako sa sagot niya. “Hindi ako tanga. Alam kong gamitin yun. Alam kong magcomputer.” Sabi ko hindi ka naman nagbilin sa akin. Si Ate mo lang ang nagbilin nuon. Tinanong ko ang panganay, si Zle, marunong ba siya? Ang sagot, ay naku Papa, mas nauna pang natutong magcomputer kaysa sumulat ng pangalan. Sabi ko na lang, para walang away, yun laptop ko na lang ang gamitin niya.